Kelan mo masasabing kelangan mo na tumigil? Sa kakaasa? Sa kakaeffort? Sa kakahintay? Sa lahat?
Siguro kapag ginawa mo na lahat ng makakakaya mo, pero wala pa ding nangyari. Siguro kapag napagod ka na’t lahat, nga-nga ka pa din. Siguro kapag may dumating na mas magandang opportunity. Siguro kapag…
(Source: nagparaya)
Inuman with my brothers and cousins…
Di ko akalaing ganito ang lagay ng lansangan kapag undas. Wagas!
And i did it again. Not my fault. Didnt ask u to love me or like me more than friends. Now you have to leave me too just like what he did. And again it hurts like hell.
Kelan ba ako matututo? Eto na naman ako naniwala. Nagpakatanga. Naniwala sa pangako nya. I should have learn by now.
Minsan dahil na din siguro sa sobrang mabibigatan ka na sa mga dumarating sa buhay mo e gugustuhin mo na lang maupo sa isang tabi o kaya ay panawan ng ulirat.
O di kaya naman gumawa ng sarili mong mundo na duon walang makakasakit sa iyo. Isang mundo na lahat ng pangarap mo pwede matupad. At lahat ng gusto mo e makukuha mo.
O di kaya naman andung sumasagi sa isipan na wakasan na lang ang buhay. Simpleng solusyon. Tapos lahat ang problema. Ang gagawin mo na lang matulog at hintayin ang iyong parusa.
Ako naiisip ko lahat ng ito. Parang ang sarap ishut down ng sistema ko parang computer lang. Tapos pagaganahin lang ng mga taong gustong gumamit. At least sa part ko di na ako mag iisip. May gagawa na nun para sa akin. Susundin ko na lang lahat ng trip nila.
Ang kaso pagtumingin ako sa paligid ko may nakikita ako. Di multo. Kundi isang anghel na walang muwang sa mundo na kinakailangan ng pagkalinga ko. Isang anghel na pinipilit lumaban sa gulo ng mundo at nagmamakaawang tulungan ko.
Dahil sa kanya nabubuhayan ako ng loob. Mahirap man ang sitwasyon. Pinipilit maging matatag para sa kanya.
Lage ko namang sinasabi ito. I miss you a lot.